Bayan ng Shariff Aguak, kinilala bilang top performer ng BLGF-XII!

Iginawad ng Bureau of Local Government Finance Region XII (BLGF-XII) sa lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak ang parangal bilang TOP PERFORMER sa opening program ng REGATA XII Seminar Workshop kamakailan sa Grand Regal Hotel sa Davao City.
Ang LGU-Shariff Aguak ay kabilang sa 4 na mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao na nag-uwi ng kahalintulad na parangal mula sa BLGF XII, kasama nito ang Pagalungan, Radjah Buayan at Gen. Salipada K. Pendatun, pawang mula sa ikalawang distro ng probinsya.
Itinanghal na top performer ang Shariff Aguak dahil sa nalagpasan pa nito ang target collection noong 2016.
Nasorpresa naman si Mayor Engr. Marop B. Ampatuan sa natanggap na pagkilala mula sa BLGF XII gayong ginagawa lamang anya nila ang nararapat para sa kapakanan ng kanilang kinasasakupan.
Pinasalamatan naman ni Mayor Ampatuan ang mga taong nasa likod ng naturang tagumpay, partikular ang Office of the Municipal Treasurer and Assessor sa walang kapaguran nilang mga pagsisikap upang lumago ang kanilang tax collections.

Facebook Comments