Oplan Kaluluwa 2017 ikinasa na ng Cotabato city PNP.

Pitong araw bago ang Undas o All Saints Day at All Souls day ay ikinasa na ng Cotabato City Police Office ang Oplan Kaluluwan 2017. Ayon kay City PNP Director PS/Supt.Rolly Octavio, inatasan nito ang mga police station commander na gumawa ng security measures upang sa araw mismo ng Undas ay maging ligtas ang mga cotabatenyong tutungo sa sementaryo.
Silay maglalagay ng mga police assistance desk sa mga entrance ng sementeryo at mahigpit na ipinagbabawal ipasok ang mga matatalas na bagay,kutsilyo,alak at sound system.
Gagawin naman ang re-routing sa sinsuat avenue kung saan gagawing one way ang patungo ng catholic cemetery…Merong apat na sementeryo ang lungsod.

Facebook Comments