BB Gandanghari, umalma sa pagtawag sa kanya ng ‘Rustom’; nagpaalala tungkol sa ‘misgendering’

via Instagram/ gandangharibb

Hindi nagustuhan ni BB Gandanghari ang pagtawag sa kanya ng “Rustom” ng isang kilalang entertainment columnist.

Sa Instagram, ipinost ni BB ang screenshot ng text message ng columnist na si Ricky Lo kung saan tinawag siya nito sa dating pangalan at tinukoy gamit ang panlalaking panghalip.

Iginiit niya sa post na isa na siyang ganap na babae kasabay ang paalala kay Lo at sa kanyang followers tungkol sa “misgendering.”


Ayon sa kahulugang ibinahagi ni BB mula sa website na Healthline, ang misgendering ay ang pagtawag, pagtukoy, o paglalarawan sa isang tao gamit ang mga salitang hindi angkop sa kanyang kasarian, intensyonal man o hindi.

Binanggit din ni Gandanghari ang IG handle ni Lo at sinabing hindi niya hahayaan ang kahit sino na i-misgender siya at tawagin sa dating pangalan.

“My preferred pronoun is HER and SHE, and you may call me BB. or by my LEGAL name Binibini,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

#misgendered… 💔 A Friendly Reminder🙏 . . What is misgendering? For people who are transgender, nonbinary, or gender nonconforming, coming into their authentic gender can be an important and affirming step in life. Sometimes, people continue to refer to a person who is transgender, nonbinary, or gender nonconforming using terms related to how they identified before transition. This is known as misgendering. Misgendering occurs when you intentionally or unintentionally refer to a person, relate to a person, or use language to describe a person that doesn’t align with their affirmed gender. For example, referring to a woman as “he” or calling her a “guy” is an act of misgendering.💐 . . Paging @therealrickylo. With all due respect, Tito Ricky but I don’t think I can allow anyone to misgender me or even call me by my former name. My preferred pronoun is HER and SHE, and you may call me BB. or by my LEGAL name Binibini… 🌈 . . #LGBTQ #Bigotry #NoToDiscrimination #Offensive #lgbtqRights #Transgender #Empowerment #GenderEquality #FriendlyReminder

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb) on

“Rustom” ang ibinigay na pangalan kay BB nang ipanganak.

2009 naman nang ianunsyo niya ang pagpapalit kasarian at pangalan.

Kasalukuyang naninirahan sa Amerika si BB kung saan niya sinimulan ang panibagong buhay bilang babae.

Facebook Comments