Sa harap nang nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan ang pinakepekto nito sa bansa ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.
Nanawagan si Presidential candidate at dating Senador Ferdinand “BongBong” Marcos at Vice Presidential candidate Mayor Sara Duterte sa pamahalaan na suspendihin muna ang pagpatong ng excise tax sa iniimport na fuel.
Para sa dalawa, magandang subsidiya ito sa mga oil companies para hindi masyadong magtaas ang presyo ng fuel sa bansa.
Sinabi pa ng dalawa, hindi rin daw dapat samantalahin ng mga oil companies ang pagtataas ng presyo ng fuel.
Dahil kailangang isipin ng mga oil companies at publiko na lalong mahihirapan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin epekto ng pagtaas ng presyo ng fuel.
Dagdag pa ng dalawa hindi pa nakakaahon sa epekto ng COVID 19 pandemic ang mga Pilipino kaya dapat ay magkaroon ng subsidiya mula sa gobyerno.