Agad na tumugon ang tambalang Presidentiable candidates Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice Presidentiable Davao City Mayor Sara Inday Duterte- Carpio upang matulungan ang mga kababayan nating lubhang sinalanta ng matinding hagupit ng Bagyong Odette.
Base sa inilabas na abiso ng BBM-Sara UniTeam, ilan lamang sa unang lugar na pinuntahan ng BBM-SARA UniTeam ay probinsiya ng Samar, Leyte, Tacloban at Masbate maging sa ilang bahagi ng Mindanao na lubha ring sinalanta ng Bagyong Odette.
Agad na namahagi ang BBM-Sara UniTeam ng mga foodpack, mga bigas, delata at instant noodles at coffee sa lahat ng mga apektado ng Bagyong Odette sa bahagi ng Mindanao.
Nakiusap din ang BBM-SARA UniTeam sa lahat ng mga Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng ating mga kababayan na lubhang nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Lubhang ikinalungkot nina BBM at Mayor Inday Sara ang timing ng pagtama ng Bagyong Odette lalopa’t ilang araw na lamang umano ay ipagdiriwang na ang Pasko.