BENTAHAN NG PAPUTOK SA DAGUPAN CITY, MATUMAL

Matumal pa rin hanggang sa ngayon ang bentahan ng paputok dito sa lungsod ng Dagupan.
Sa panayam ng iFM Dagupan sa ilang tindera ng paputok sa lungsod na nakapwesto sa tapat ng West Central Eleementary School at itinakdang firecracker zone, paunti-unti pa rin ang bumibili dito hindi gaya noong mga nakaraang taon.
Sa isang araw pinakamataas na ang 6, 000 pisong benta ng mga ito.

Inaasahan namang lalakas ang bentahan ng mga ito sa darating na December 29,30, at 31.
Nagpaalala naman ang PNP Pangasinan sa mga nagtitinda ng paputok na iwasan ang pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok nang hindi magbagong taon sa kulungan at hindi mapaso ang kanilang permit.
Nakatakda ang pagsira sa mga makukumpiskang paputok sa January 3, 2022.
Puspusan naman ang pag-iikot ng BFP Dagupan sa mga barangay upang paalalahanan ang publiko na umiwas sa paggamit ng paputok para sa masayang pagsalubong ng bagong taon. #ifmnews
Facebook Comments