Cauayan City, Isabela- Nagpapasalamat ngayon ang punong barangay ng Baui dahil sa nasungkit na parangal bilang ‘Best Communal Garden’ sa buong bayan ng Angadanan sa Lalawigan ng Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy Captain Silverio Guillermo Jr., napakalaking karangalan aniya ang gantimpalang kanilang natanggap mula sa Local Government Unit ng Angadanan sa pamumuno ni Mayor Joelle Matthea Panganiban.
Bunga aniya ito ng pakikipagtulungan ng mga Sangguniang Kabataan, Barangay Police, Trikers Association, Indigenous People’s Group, mga kabarangay na nasa ibang bansa, 4P’s, mga guro at ng mga government and non-government organizations na nagbigay suporta sa kanilang Communal Garden.
Ang nasabing gulayan ay may mga pananim na iba’t-ibang uri ng gulay na ginamitan ng mga organikong pataba at kanyang hinihikayat ang lahat na gumamit ng organic fertilizer dahil bukod sa mas malusog ang mga pananim ay mas mainam din ito sa kaulusugan ng tao.
Mayroon din mga nakatalaga na magbabantay sa kanilang Gulayan upang hindi mapabayaan.
Sinabi pa ng Kapitan na malaki ang naitutulong sa mga residente ang pagkakaroon ng Communal Garden sa barangay.
Samantala, nakuha naman ng barangay Cumu ang unang pwesto; ikalawang pwesto ang brgy. Macalauat; ikatlo ang brgy. Villa Domingo at ikaapat sa pwesto ang brgy. Pissay.