BI, nakapagtala ng 60,000 arrivals sa NAIA noong nakalipas na bisperas at araw ng Pasko

Naitala ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 60,000 arrivals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na bisperas ng Pasko at kahapon araw ng Pasko.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na 32,000 arrivals sa NAIA ang kanilang naitala nitong bisperas ng Pasko habang 29,968 ang arrivals kahapon mismong araw ng Pasko.

Sa mga umalis naman, 22,248 ang umalis nitong Christmas eve habang 27,934 ang umalis sa NAIA kahapon Christmas day.


Napakalaki aniya ng pagkakaiba nang bilang na ito sa nakalipas na dalawang taon kung saan ang daming naging restrictions sa mga biyahe dahil sa COVID-19 pandemic.

Inaasahan naman ng BI na pagkatapos ng pagsalubong ng Bagong Taon parehong bilang ng dami ng arrivals at departure ang kanilang maitatala dahil magsisiuwian na ang mga nagbakasyon ngayong holiday season.

Facebook Comments