
Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court (RTC) Manila Branch 175 laban sa mga akusadong sina Charlie “Atong” Ang at dating Police Lt. Col. Ryan Jay Orapa.
Ayon kay Atty. Martinez, batay sa kautusan ng korte, hindi pinahihintulutang makapagpiyansa ang mga akusado para sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention.
Ito’y matapos makitaan ng korte ng sapat na ebidensya upang matukoy ang probable cause para litisin ang dalawang akusado sa mga kasong isinampa laban sa kanila
Facebook Comments










