2 MILYONG SAKO NG PALAY, KAYANG BILHIN NG NFA CAGAYAN NGAYONG 2022

19
Kaya umanong paabutin sa 2 milyon na sako ng palay ang kayang bilhin ng National Food Authority, Cagayan Branch ngayong taon upang ipantustos sa rice requirement hindi lamang sa lambak ng Cagayan kundi pati na sa National Capital Region (NCR).

Posible umano ito sapagkat maliban sa pagsisimula na ng anihan para sa wet cropping season ngayong taon ay nasa isang milyon na sako na ng palay ang nabili ng NFA Cagayan nito lamang nakaraang linggo.

Upang makarami ng mabibiling palay ay patuloy na hinihimok ng naturang ahensya ang mga magsasaka na magbenta ng kanilang ani sa gobyerno.

Facebook Comments