Bilang ng COVID-19 Positive sa CVMC, Umabot sa 21

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 21 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 na nasa pangangalaga ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Batay sa datos na inilabas ng ospital, mayroong 9 katao ang mula sa Tuguegarao City; 1 sa Aparri; 2 sa Camalaniugan; 3 sa Solana at 1 sa Lal-lo.

Sa Isabela, mayroon namang 1 ang mula sa Delfin Albano; 1 San Manuel; 1 sa Echague; 1 sa Roxas at 1 sa San Isidro.


Samantala, nasa pangangalaga rin ng ospital ang 14 na suspected cases na kinabibilangan ng 3 katao mula sa Tuguegarao City; 1 Solana; 1 Piat at 1 sa Calayan Island.

Mayroon din sa Isabela, 1 sa Tumauini; 1 sa San Manuel; 1 sa Quezon; 3 sa City of Ilagan habang sa 1 sa Mountain Province at 1 sa Apayao na bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa ngayon ay umuusad na ang paggamit ng wal-thru para sa mga nagnanais magpasailalim sa swab test sa nasabing ospital.

Facebook Comments