Cauayan City, Isabela- Pumapalo pa rin sa higit limang libo ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 kahapon, April 26, 2021, nakapagtala ang rehiyon ng 5,254 total active cases kasama na rito ang 396 na panibagong kaso.
Mayroon namang 464 na bagong naitalang gumaling na nagdadala sa kabuuang bilang na 24,977.
Umaabot na rin sa 529 ang bilang ng naitalang COVID-19 related deaths matapos madagdagan ng tatlong (3) mortality.
Sa kasalukuyan, sumipa sa 30,770 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon.
Facebook Comments