Bilang ng mga nawasak na kabahayan dahil sa hagupit ng Bagyong Odette, umabot na sa mahigit 20 thousand ayon sa DSWD

Mahigit 20,000 kabahayan ang sinira ng Bagyong Odette batay sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Abot naman sa 34,681 ang partially damaged dahil sa paghagupit ng bagyo.

Batay sa report ng DSWD, nasa 452,307 na ang bilang ng mga pamilya o 1,805,005 indibidwal ang naitalang naapektuhan ng bagyo.


Nasa 109,914 pamilya o 438,359 katao ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa mga evacuation centers.

Habang ang 58,527 pamilya o 193,043 ay nakikitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Abot na sa ₱14,585,980 ang naipamahaging tulong ng DSWD, Local Government Units (LGUs), at National Government Organizations (NGO) sa mga nasalanta ng bagyo.

Facebook Comments