MANILA – Umakyat sa 44 percent ang bilang ng mga pinoy ngayon na ikino-konsidera ang kanilang sarili na mahirap.Batay sa latest Survey Ng Social Weather Stations, tumaas ng dalawang porsyento ang self-rated poverty sa bansa sa huling kwarter ng 2016 kumpara sa naitala sa ikatlong kwarter ng taon na 42 percent o katumbas ng 9.4 na pamilyang Pilipino.Sa kabila ng pagtaas, mas mababa pa rin ito kumpara sa average annual rate na naitala sa nakalipas na mga taon.Ang survey ay isinagawa noong Disyembre 3 hanggang 6 sa 1,500 respondents nationwide.
Facebook Comments