Bilang ng mga taong nagtungo sa Manila North Cemetery, lumagpas na sa isang milyon

Base sa crowd estimate ng Manila Police District, pasado alas-4 ay sumapa na sa 1,038,993 ang bilang ng mga taong nagtungo sa Manila North Cemetery ngayon araw simula alas-5 ng madaling araw.

Madadagdagan pa ito dahil patuloy pa pa rin ang dagsa ng tao papasok ng Manila North Cemetery pero kapansin-pansin na mas marami na ang umuuwi.

Alas-10 kaninang umaga ang pagkakataon na may pinakamaraming pumasok at nanatili sa loob nitong sementeryo na umabot sa 167,350.

Ayon kay MPD station 3 commander PLtCol. Rexson Layug, katulad kahapon ay generally peaceful ang naging sitwasyon sa nasabing sementeryo ngayong November 1.

Ikinalugod ni Layug na walang naitalang anumang problema o hindi magandang insidente.

Alas-9 ngayong gabi ay isasara itong Manila North Cemetery at muling bubuksan alas-5 ng madaling araw bukas, November 2.

Facebook Comments