Bilang ng nasugatan sa pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat nadagdagan pa

General Santos City—nadagdagan pa ang bilang ng mga nasugatan sa nangyaring pagsabog sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat na nangyari sa loob ng Carlito’s Chicken house sa kalawag 2, Isulan alas 3:15 ng hapon, kahapon.

Ayon sa record ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office –Isulan, nasa 18 na ang bilang ng mga nasugatan sa nasabing insidente.

Anim Dito ay mga minor de edad at isa naman ang buntis. Ang mga biktima ay naka-confine ngayon sa magkaibang hospital sa Isulan.


Samantala, mariin namang kinondina ng mga opisyal ng Isulan maging ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat ang pagsabog lalo na, na may mga nadamay na mga bata sa insidente.

Facebook Comments