Bilangan ng mga Balota sa CamSur Bilang Isa sa Pilot Province, Patuloy Pa Rin!

Cauayan City, Isabela- Patuloy pa rin ang isinasagawang manual recount sa probinsya ng Camarines Sur bilang isa sa tatlong Pilot provinces mula sa dalawampu’t limang probinsya na iprinoprotesta ni dating senador Bong Bong Marcos sa naganap na halalan noong taong 2016 sa pagka-bise presidente.

Sa eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Georgina Hernandez, ang Spokesperson ni Vice President Leni Robredo, aniya na retrieve na ang mga ballot boxes mula sa probinsya ng Ilo-Ilo at Negros Oriental at dadalhin na ito sa Korte Suprema upang mabigyan ng seguridad.

Ayon pa kay Spokesperson Hernandez na mayroon umanong hinihintay na desisyon ang kampo ni VP Robredo hinggil sa kanilang ipinasang motion for reconsideration sa shading ng mga balota dahil binilang pa rin umano ng ginamit na vote counting machine noong halalan 2016 ang mga boto na kahit 25 percent shaded lang ang mayroon sa balota samantalang nasa 50 porsiyento ang kinakailangan sa manual recount.


Samantala, habang hinihintay ng kampo ni VP Robredo ang manual recount sa CamSur ay abala naman ngayon ang bise presidente sa kanyang programa sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t-ibang lugar dito sa bansa upang magbigay ng pangkabuhayan, pang edukasyon at pangkalusugan sa mga mahihirap na pamilya.

Bukod pa rito ay mayroon din umanong programang tinutukan ang bise presidente sa mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa naganap na bakbakan sa Marawi City.

Facebook Comments