Binata sa Quezon Isabela, Nahaharap sa Kasong Child Abused!

Quezon, Isabela – Hinuli ng mga tauhan ng PNP Quezon sa bisa ng warrant of arrest ang isang binata dahil sa kaso nitong child abused sa Brgy. Samonte Quezon, Isabela.

Ayon kay SPO2 Arnold Verbon, Intel Police None Commission Officer ng PNP Quezon na ang akusado ay kinilalang si Arnel Esteban Padrid, labinwalong taong gulang, at residente ng nabanggit na lugar.

Aniya bumagsak sa kasong child abused ang kinasangkutan ni Padrid kung saan ay dati umanong nakasuhan ng panggagahasa sa isang menor de edad.


Dahil sa may relasyon naman umano ang biktima at ang akusado ay child abused na lamang ang inihatol dahil sa nagsasama na ang biktima at ang akusado.

Inihain naman ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abused.

Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

Facebook Comments