BJPM, maglalaan ng lugar sa mga PDL para makapaggunita ng Undas

Bilang pagrespeto sa mga katolikong Persons Deprived of Liberty o PDLs, maglalaan ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ng lugar upang alalahanin ng mga inmates ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa araw ng Undas.

Ayon kay BJMP Spokesperson JSupt. Xavier Solda, naglaan sila ng isang lugar na pwede sila magtirik ng kandila habang ang mga Chaplain ng BJMP sa bawat pasilidad nito ay magsasagawa ng misa.

Ang management na mismo ng BJMP ang magpo-provide ng mga kandila na gagamitin ng mga PDL.


Nilinaw naman ni JSupt. Solda na hanggang ngayon bawal pa rin na makisalamuha ang mga PDL sa mga bisita upang makaiwas sa sakit lalo na ngayong may pandemya ng COVID-19.

Pinapayagan lamang nila ang online dalaw o ang non-contact visitation.

Facebook Comments