Panukalang evacuation centers, kailangang maipasa sa lalong madaling panahon

Umaasa si Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na sa mga susunod na buwan ay maipapasa at maisasabatas na ang House Bill 2773 o panukalang Accessible Evacuation Centers Act of 2022.

Diin ni Delos Santos, ngayong sunod-sunod ang pananalasa ng mga mga bagyo ay nakita ang pangangailan na magkaroon ng mga evacuation centers sa buong bansa.

Sabi ni Delos Santos, ito ay para siguradong mayroong ligtas na matitirhan agad ang mga inililikas tuwing may mga kalamidad na akma sa kanilang sitwasyon at mga pangangailangan.


Ngayon ay puspusan ang pagtulong ng mga kasapi ng Ang Probinsyano Party-list sa paglilikas ng mga apektado ng Bagyong Paeng sa dalawang barangay sa Guinobatan, Albay.

At dahil wala pang naitatayong mga evacuation centers ay pansamantalang pumipirme sa Mauraro Community College campus ang kanilang mga inilikas na biktima ng bagyo.

Facebook Comments