Body camera sa lahat ng pulis, wish list ng PNP

Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang pondo para makumpleto ang pag-isyu ng mga body worn cameras sa lahat ng mga pulis.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., malabo nilang makumpleto sa loob ng kaniyang termino ang pagbigay ng mga body camera sa lahat ng mga police unit dahil P2-B lang kada taon ang ibinigay ng Kongresso para sa kanilang Capability Enhancement Program.

Paliwanag ni Azurin, prayoridad ng Pambansang Pulisya ang mga sasakyan at baril sa ilalim ng kanilang doktrinang “move, shoot, and investigate.”


Ani Azurin, wish list nilang mabigyan ang lahat ng pulis ng body cameras lalo pa’t minamandato na ng batas ang pagsusuot ng body cam sa lahat ng police operations.

Sa ngayon aniya ang mga police unit sa mga pangunahing lungsod tulad ng Metro Manila at Cebu ang nabigyan ng body cam kaya pansamantala munang ginagamit ng karamihan sa mga pulis ang kanilang cellphone para kunan ng video ang kanilang mga police operations.

Facebook Comments