BOMB AWARENESS PROJECT, INILUNSAD NG BRGY. ALIBAGU SA CITY OF ILAGAN

Inilunsad ng Barangay Alibagu sa lungsod ng Ilagan ang Project ABKD nitong Linggo, September 11, 2022 na inisyatibo ni Brgy. Captain Ariel Tabangcura katuwang ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal and Canine Group (PNP EOD).

Isinagawa ang seminar mula sa nabanggit na proyekto ukol sa Bomb Management and Familiarization of Ammunition sa pangunguna ni PLt Sherwin Bullong, Provincial EOD Canine Unit.

Samantala, nasa kabuuang 35 na mga Kagawad and mga Tanod ang aktibong nakiisa sa nasabing seminar kung saan itinuro ang mga nararapat gawin at tamang hakbangin kung may mangyaring pagsabog ng bomba.

Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang kaalaman at kahandaan ang mga opisyal ng barangay bilang katuwang ng kapulisan sa pag responde sa panahon ng karahasan gaya na lamang ng pagsabog ng bomba.

Facebook Comments