NEGOSYANTE, PATAY SA PAMAMARIL AT PANANAKSAK SA IFUGAO

21
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin at pagsasaksakin sa hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Balonglong, Umilag, Lamut, Ifugao nitong Linggo, Setyembre 11, 2022.

Kinilala ang biktima na si Jayban Banhan Ellag akala Jesus, 42-taong gulang at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Police Regional Office Cordillera (PRO-COR) nakita na lamang ng kapatid ng biktima na nakahandusay ito sa kalsada.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kasalukuyan parin iniimbestigahan ang ng mga pulis ang pagkakakilanlan at motibo ng suspek.

Facebook Comments