BOOSTER VACCINATION SA ISANG MALL AT TERMINAL NG CITY OF ILAGAN, AARANGKADAN NA

26
Cauayan City, Isabela- Isasagawa ngayong araw ang Booster Vaccination kontra COVID-19 sa City of Ilagan Terminal at sa isang Mall sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Pangungunahan ang nabanggit na pagbabakuna ng Department of Health (DOH) Region 2 at City Health Office-I ng lungsod ng Ilagan.

Magbibigay ng 1st at 2nd dose ng booster shot sa mga edad 12-17 taong gulang at 1st at 2nd dose rin ng booster shot para sa edad 18 taong gulang pataas.

Isasagawa ang nasabing pagbabakuna sa mga nabanggit na lugar upang mailapit ito sa mamamayan at mahikayat ang marami na magpabakuna na para sa ibayong proteksyon laban sa pandemya.

Facebook Comments