2 hanggang 4 na bagyo, asahan na ngayong Oktubre

94

Posibleng dalawa hanggang apat na bagyo ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Oktubre.

Ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja, base ito sa kanilang datus sa bilang ng mga tropical cyclones mula 1948 hanggang 2017.

Aniya, papangalanan ang ika-13 hanggang ika-16 na mga bagyo ngayong taon na Maymay, Neneng, Obet, at Paeng.


Facebook Comments