Nakipag-usap ang mga opisyales ng Bicol Medical Center sa pamumuno ni Dr. Francisco Sales sa mga representatntes sa kongreso na kasama sa Bicol Block.
Layon ng nasabing hakbang na mapagtuunan ng pansin nasabing proyekto para mabuksan at makapag-operate na ang nasabing building sa pangangailangan ng mga pasyente.
Sa pakikipanayam ng RMN Naga – DWNX kay Cong. Gabriel Bordado ng Camarines Sur 3rd District, sinabi ng kongresista na nag-propose na siya na i-upgrade ang nasabing ospital para maging 1000 na ang bed capacity nito mula sa kasalukuyang 500-bed capacity kung saan 200 pa rito ang naka-assign sa Pili Mental Hospital.
Tinatayang nasa 800 katao ang dapat masilbihan ng nasabing ospital dahil sa volume ng pasyente na nagpapagamot sa BMC.
Idinagdag pa ni Bordado na positibo naman ang kanilang naging kasagutan sa pagsisikap ng mga tagapamahala ng BMC na tulungan silang mabuksan na sa publiko ang 3 panibagong building ng BMC. Sinabi rin ni Bordado na suportado ng Bicol Block representatives ang nasabing hakbang ni Dr. Sales.
Napag-alaman din sa nasabing interview na nakausap rin ng grupo pati na rin si Majority Floor Leader Cong. Rolando Nonoy Andaya kung saan nagpahayag ang huli na sisikapin niyang mapasama sa mga priorities ng kongreso ang nasabing usapin.
Bordado: Bicol Medical Center Isinusulong na Gawing 1000 ang Bed Capacity
Facebook Comments