Brgy Kapitan sa South Upi patay sa pamamaril

Dead on the spot ang Brgy Kapitan ng Lamod sa South Upi Maguindanao matapos pagababarilin ng riding in tandem criminals.

Malaki ang posibilidad na may kinalaman sa kanyang trabaho ang dahilan ng pagpaslang kay Brgy Lamod Chairperson Mamayog Datuwata ayon pa kay Mayor Reynalbert Insular sa panayam ng Straigth to the Point Program ng DXMY ngayong umaga .

Kaugnay nito agad na pinag utos ni Mayor Insular sa mga otoridad ng dobleng pagsisiskap para matukoy ang mga responsable at nasa likod ng insidente.
Sabado ng mangyari ang pamamaril habang sakay ng motorsiklo si Kapitan ang bahagi ng Brgy Looy. Nakaalerto ngayon ang South Upi MPS.


Noong nakaraang linggo, patay din ang kapitan ng Brgy Montay sa Datu Piang Maguindanao matapos pagbabarilin ng riding in tandem.(DENNIS ARCON)

South Upi MPS Pic

Facebook Comments