Tuesday, June 16, 2026

House prosecution panel, umaasang mareresolba ang isyu sa liderato ng Senado bago magsimula ang impeachment trial

Screenshot from House of Representatives/Facebook

Umaasa ang buong House prosecution panel na makakapaghalal na ang Senado ng pangulo nito bago magsimula ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte sa July 6.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, nangangamba ang kanilang panig na ang kawalan ng duly elected Senate president ay gamitin ng kampo ni VP Duterte para kwestyunin muli sa Supreme Court ang proseso ng impeachment.

Paliwanag ni Luistro, ang impeachment proceedings ay lubhang sensitibo at bukas sa legal challenges kaya ayaw na nilang maulit ang sinapit ng impeachment case sa ilalim ng 19th Congress na idineklara ng Supreme Court na may paglabag sa Konstitusyon.

Una ng inihayag ni Luistro na kinikilala nila ang liderato ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian at ikalulugod nila at kikilalanin kung ito o sinumang senador na mahahalal bilang pangulo ng Senado.

Facebook Comments