
Patuloy ang isinasagawang pagtulong ng Joint Task Force (JTF) Agila, kasama ng Philippine Air Force (PAF), iba pang ahensya ng pamahalaan, local government units (LGUs), at humanitarian stakeholders sa mga komunidad na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol.
Lalo na sa mga lugar na hindi pa rin madaanan dahil sa mga landslide o nasirang impraktraktura at ang sasakyang panghimpapawid lamang ang tanging paraan para maghatid ng pagkain.
Sa tala ng mga awtoridad, simula June 11 hanggang 15, aabot na sa halos 5 libong food packs, 800 packs nang taglimang kilong bigas, 3,400 na bote ng tubig, 400 mga kahon ng relief goods, 100 containers ng 20-liter potable water, at 40 cases ng six-liter bottled water ang naihatid na sa apektadong mga komunidad gamit ang black hawk helicopters ng Philippine Air Force.
Ang nasabing operasyon ay suportado ng Disaster Response Teams (DRTs) mula sa 1002nd Infantry Pag-asa Brigade, kasama ng mga personnel mula sa Philippine Army units na syang nagbigay ng manpower support para sa pag-loloading, unloading, transport, at distribusyon ng mga relief supplies.










