
Mahaharap pa rin sa kaso ang mga tinatawag na hacktivist kahit wala silang nakuhang mga data at impormasyon matapos pasukin ang ilang website ng pamahalaan.
Kung maalala, ang nagpakilalang mga hacktivist na Nullsec Philippines ang umamin na sila ang nang-hack sa website ng Senado noong Hunyo 11.
Estilo ng mga hacktivist na baguhin ang hitsura o nilalaman ng isang website.
Sa Pilipinas, ang hacking ay isang seryosong krimen na pinarurusahan sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sinabi ni Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, nasa Pilipinas lamang ang mga hacker na nang-hack sa website ng Senado at mahigpit na nila itong mino-monitor.
Facebook Comments










