Nangunguna pa rin ang brodkaster na si Raffy Tulfo sa senatorial race sa latest national elections survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).
Batay sa RMN-APCORE survey na isinagawa nitong Enero 26 hanggang Enero 30, 2022, nakakuha ng 63% si Tulfo at nag-improve ang standing nito ng 15.9 points kumpara sa nakuha nitong puntos noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Pumangalawa naman sa pwesto ang nagbabalik senado na si Francis “Chiz” Escudero na may 53%, pangatlo si Former House Speaker Allan Peter Cayetano na may 49.3% habang nasa pang-apat si Antique Rep. Loren Legarda na nakakuha ng 43.1%.
Nasa pang lima at pang anim naman sina Sen. Migz Zubiri na binigyan ng 38% at Sherwin gatchalian na may 36.2%.
Pangpito at walong pwesto sina Mark Villar at Robin Padilla na parehong nakakuha ng 33.4%.
May tyansa rin makapasok sa top-12 sa senatorial race sina Jejomar Binay na may 32%, JV Ejercito – 31%,; Jinggoy Estrada – 30.3%; Joel Villanueva – 29.1%; Risa Hontiveros – 29.0% at Herbert Bautista- 28%.
Sumusunod din si Sen. Richard Gordon na may – 22.4%; Gringo Honasan – 19.4%; Harry Roque – 18.4%; Guillermo Eleazar – 18%; Antonio Trillanes- 16%, at Chel Diokno na may 15%.
Nasa 2,400 respondents na edad 18 pataas ang nakilahok sa RMN-APCORE survey ay sa at may +/- 2 margin of error.