Wednesday, April 8, 2026

BuCor, humingi na ng tulong sa NBI kaugnay ng pagkamatay ng kanilang corrections officer sa Palawan

Dumulog na ang Bureau of Corrections (BuCor) sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng re-enactment sa trahedya kaugnay ng pagpakamatay ng kanilang corrections officer sa Palawan.

Partikular ang pagkakapatay kay Corrections Officers, CO1 Jerson O. Talon, at dalawang police officers nitong nakalipas na Good Friday sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang hakbang ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ay matapos nitong mapanood ang video footage kung saan nakasubsob sa sahig ang mukha ni Talon at nakatali sa likod ang dalawang kamay nito.

Ikinalugod naman ni Catapang ang ginawang pagsususpinde ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez sa mga sangkot na pulis.

Nais din aniya ng pamilya ni Talon na maghain ng administrative at criminal charges laban sa mga sangkot na pulis.

Ayon sa maybahay ni Talon na si Imelda, lumabas lamang ng tahanan ang kanyang mister para i-secure nito ang kanilang anak na babae nang makarinig ito ng putok ng baril.

Facebook Comments