Bureau of Immigration, balik na sa 100% work capacity sa NCR

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na balik na sila sa 100 percent onsite work capacity sa kanilang mga tanggapan sa in National Capital Region (NCR).

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Alert Level 1 sa NCR at ilang mga lugar.

Nangangahulugan ito na wala nang work-from-home work arrangement scheme sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI).


Ang kanilang working hours ay magsisimula ng alas-7 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Nilinaw rin ng BI na magpapatupad pa rin sila ng mahigpit na health protocols.

Facebook Comments