Supreme Court, may bago nang court administrator

87

Kinumpirma ng Korte Suprema na may nahirang na silang bagong court administrator.

Ito ay sa katauhan ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva.

Pinalitan ni Villanueva si dating Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez na nahirang naman bilang associate justice ng Kataas-Taasang Hukuman.


Si bagong Court Administrator Raul Villanueva ay nahirang na bagong OCA chief matapos ang En Banc session kaninang umaga ng mga mahistrado ng Supreme Court.

Facebook Comments