Bureau of Immigration, magde-deploy ng 147 officers sa NAIA

Magde-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng kabuuang bilang na 147 bagong hired immigration officers (IOs) para sa on-site training sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na dadagdagan nila ang manpower ng ahensya sa premiere port sa oras para sa pagdami ng mga pasahero ngayong tag-init.

Aniya, ang nasabing pagde-deploy ay magsisimula sa Abril 24.


Kapag natapos na daw ang kanilang pagsasanay, itatalaga ang mga opisyal sa iba’t ibang paliparan at opisina ng Immigration sa buong bansa.

Ayon kay Tansingco, bukod sa theoretical trainings, nais pagbutihin ng kawanihan ang iba pang kakayahan ng mga frontliners, tulad ng communication at conflict resolution na napakahalaga sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

Facebook Comments