Australian trade at tourism minister, bibisita sa bansa ngayong araw

Bibisita ngayong araw sa bansa ang trade at tourism minister ng Australia at nakatakdang makipagpulong kina Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual at National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Ngayong araw, tutukuyin kung paano mapaiigting ang ugnayan ng Pilipinas at Australia partikular na sa mining, ekonomiya, edukasyon at renewable energy.

Makikipagpulong din si Don Farrell sa business leaders gayundin sa mga kinatawan sa sektor ng travel at tourism upang alamin kung paano ito mapalalakas.


Ayon sa embahada ng Australia, ang Pilipinas ay kabilang sa itinuturing nilang top emerging markets para sa international visitation at umaasa silang magiging mabunga ang gagawing pagbisita ng isa sa kanilang opisyal.

Facebook Comments