BUY-BUST | 2 drug pusher arestado, 3 parokyano nito dinampot din sa Roxas City

11

Roxas City – Arestado ang limang katao sa ikinasang buy-bust operation sa isang bunkhouse sa Arnaldo Boulevard sa Roxas City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Tommy Isiderio at kinakasama nitong si Joyce Daniel na siyang nagpapatakbo ng drug den sa naturang bunkhouse na pagmamay-ari pa umano ng isang malaking mall sa lungsod.

Kasama rin sa mga nahuli ang supplier nila na si Rodel Dela Cruz, Jesus Carlos Andrada at Jaiveh Duno na naaktuhang bumibisita sa drug den nang ikinasa ang operasyon.

Narekober sa mga suspek ang halos 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P180,000.

Maliban sa iba pang drug paraphernalia, narekober din sa bunkhouse ang isang .38 caliber revolver na may 10 bala at homemade 12-gauge shotgun na may walong mga bala.

Facebook Comments