Caloocan City Prosecutor Darwin Cañete, tuluyan nang inalis sa posibilidad na paghawak sa kaso ng pagkakapatay kay Kian Loyd delos Santos

241

Manila, Philippines – Tuluyan nang inalis ang pangalan ni Caloocan State Prosecutor *Cañete* sa listahan ng mga ira-raffle na hahawak sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, layon nito na maiwasan ang pagdududa matapos na magpost si Prosecutor *Cañete* sa kanyang Facebook account ng pagkatig nito sa extra-judicial killings.

Sa ngayon , wala pang kasong naisasampa sa Caloocan City Prosecutor’s Office hinggil sa pagkakapatay kay Kian sa anti-drugs operation ng pulisya.


Una na ring hiniling ni Senador Franklin Drilon ang pag-relieve kay Prosecutor Canete sa paghawak sa nasabing kaso.

Facebook Comments