Camille Prats – excited nang manganak

52

Manila, Philippines – Excited na ang aktres na si Camille Prats na i-welcome ang magiging unang anak nila ng asawang si VJ Yambao na ngayo’y nasa ikalimang buwan na ng kanyang pagdadalang-tao.

Say ni Camille, feeling niya ay first time pa lang siyang manganganak dahil sa sobrang excitement.

Nabatid na 10 years na ang nakalilipas mula nang manganak ang 31-year old actress kay nathan mula sa late husband nitong si anthony linsangan.

Kwento pa ni Camille, hindi naman siya naglilihi pero napapansin niya na mas marami siyang ayaw sa kasalukuyan niyang pagbubuntis.

Kabilang na rito ang amoy ng ginisa at masasangsang at matatapang na amoy ng mga pagkain.

Sa ngayon, undecided pa rin daw sila ni VJ para sa ibibigay na pangalan sa kanilang baby girl.
DZXL558

Facebook Comments