Tuesday, November 24, 2026

Kumakalat na fake news, padami nang padami habang papalapit ang pagpapasya ng Senate Impeachment Court

Iginiit ni House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na padami ng padami ang kumakalat na fake news ngayon sa harap ng nalalapit na pagbibigay ng hatol ng Impeachment Court kay Vice President Sara Duterte.

Pangunahing fake news na inihalimbawa ni Adiong ang pinapakalat na sinabi daw nya na “Wala nang lugar ang mga Duterte sa Mindanao,” na hindi naman totoo at hindi nya kailanman binanggit.

Diin ni Adiong, ang pagpapakalat ng nabanggit na pekeng pahayag nya ay lantarang pagtatangka na ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kabiguan ng defense team na ipagtanggol sa VP Sara sa alegasyong mayroon itong hindi maipaliwanag na yaman.

Bunsod nito ay umaapela si Adiong sa lahat na iberepikang mabuti ang mga content sa social media lalo na yaong nagdudulot ng pagkakawatak-watak.

Facebook Comments