CHILD LABOR PREVENTION ORIENTATION, ISINAGAWA SA BAYAN NG BANI

BANI, PANGASINAN – Isinagawa ang isang orientation program na nakatuon para sa mga kabataang nagtatrabaho ng wala sa tamang edad sa bayan ng Bani.

Ang Orientation on Child Labor Prevention and Elimination Program na pinangunahan ng Department of Labor and Employment o DOLE at sa pakikipagtulungan ng PESO Bani para i-orient ang mga may katungkulan upang bantayan ang mga kabataang nagtatrabaho na wala sa tamang edad.

Dinaluhan ang naturang programa ng mga nasa katungkulan gaya ng mga kawani ng LGU Bani, MSWD, DILG, Brgy. Officials mula sa dalawampu’t pitong barangays sa bayan na nakadestino sa child labor at MHO, Education Secondary Level at iba pa.


Ayon kay Evelyn Notario, ang PESO Manager ng Bani, hindi umano maaaring magtrabaho na ang mga kabataang edad 17 pababa dahil sila umano ay dapat nag-aaral at hindi para magbanat ng buto.

Layunin ng programa upang maipaliwanag sa mga naging partisipante ang kahalagahan ng hindi dapat magtrabaho ang mga kabataang edad-17 pababa at upang maipabatid sa kanilang mga nasasakupan ang naging oryentasyon.

Facebook Comments