Chinese Ambassador, ipapatawag ng Palasyo kaugnay sa “hit and run” incident sa Recto Bank

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na inimbitahan nila sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Ito ay para pagpaliwanagin ang opisyal hinggil sa Recto Bank incident.

Sa isang ambush interview kay Lorenzana, sinabi nito na ito ang napagkasunduan nila sa naganap na pulong ng security, justice and peace cluster sa Malacañang kahapon.


Aniya, napakinggan na ang panig ng mga mangingisdang Pinoy sa insidente kaya gusto rin nilang marinig ang paliwanag ng Chinese ambassador.

Gayunman, hindi pa tiyak ng kalihim kung kailan magtutungo sa Malacañang si Zhao.

Facebook Comments