CHRISTMAS FOOD BAZAAR SA UMINGAN, BINUKSAN NA

Katakam takam na mga pinagmamalaking pagkaing Pinoy ang inyong matitikman sa kabubukas lamang na Christmas Food Bazaar sa bayan ng Umingan.

Mula sa mga local delicacies hanggang sa inyong mga holiday favorites, lahat ng ‘yan, matitikman sa “Makan Ti Umingan” na bahagi pa rin ng Paskuhan sa bayan.

Opisyal itong binuksan sa publiko noong nakaraang Miyerkules, December 3, 2025 kung saan ang mga Uminganians ay hindi lamang nabusog sa mga pagkain kundi maging sa mga inihandang programa na siyang nagbigay kulay at saya sa opisyal na pagsisimula ng naturang food bazaar.

Bukas ito sa publiko mula alas singko ng hapon hanggang alas dose ng madaling araw sa Salientes street, Poblacion, Umingan.

Samantala, isang araw matapos pasinayaan ang food bazaar ay ang gabi ng pagpapailaw sa giant christmas tree ng bayan na isa sa pinaka inaabangan ng mga residente.

Napuno ng maningning na ngiti, maingay na palakpakan, at hiyawan ang gabing nagsilbing paalala sa mga taga Umingan ng masaya, makulay, at nagkakaisang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Facebook Comments