
Humarap ngayong Day 40 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang city assessor ng Davao City na si Engr. Jaime Adalin.
Si Adalin ang unang testigo ng defense team ni VP Duterte sa halip na si Atty. Suzette Punay na Corporate Counsel ng GenCorp Industries Inc. at Metro City Chow Foods Corporation dahil sa medical procedure na nakatakda sa kanya ngayong araw.
Si defense lawyer Atty. Lindon Bacquel ang nagsasagawa ngayon ng direct examination sa testigo habang si Atty. Benjamin Tolosa ng prosecution team ang magsasagawa naman ng cross-examination.
Iginiit ni Bacquel na patutunayan ng kanilang testigo na ang real property na saklaw ng transfer certificate of title ay naka-disclose o nakadeklara sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN ni VP Duterte.
Sinabi pa ng depensa na sa pamamagitan ng kanilang witness, lalabas na ang mga alegasyon ng prosecution team na hindi nakadeklara ang mga real properties ng bise presidente ay pawang malisyoso at walang katotohanan.










