City PNP Blanco pa kung sino mga suspect na bumaril sa dalawang Marines

Blanco parin ang City PNP sa kung sino ang responsable sa pamamaril sa dalawang kasapi ng phil marines na ang isa aybinawian ng buhay habang ang kanyang kasamahan ay nasa ligtas ng kalagayan. Ayon kay Col.Rolly Octavio, patuloy ang kanilang inbestigasyon sa kaso habang inaalam din nila kung bakit hindi naka react ang umanoy isang pulis na malapit sa pinangyarihan ng krimen na may dalang armalite rifle… Wala naman daw nakuhang gamit sa dalawang marines habang hindi naman sila nakaganti ng putok sa kabila ng may dala silang mga short firearms. Samantala posibleng mga liquidation squad ng mga armadong grupo ang may gawa sa pamamarilsa dalawang marino ng MBLT-7 noong biyernes ng hapon sa lungsod. Hindi maisasantabi ni 6th CMO Battalion Commander na baka nga mga liquidation squad ang may gawa ng krimen dahil hindi naman kinuha ang mga gamit ni Sgt.Ulang at Sgt.Navaro na pawang mga Intel officer ng MBLT-7…Kayat meron siyang paalala sa kapwa nito sundalo na ibayong ingat ang ipatupad upang makaiwan sa liquidation squad ng mga armadong grupo.

Facebook Comments