Wednesday, November 25, 2026

Umano’y pagsermon ni PBBM kay ex-Speaker Romualdez dahil sa ₱436-B insertions, hindi pa makumpirma ng Palasyo

Hindi nagbigay ng kumpirmasyon ang Malacañang sa pahayag ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na pinagalitan umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si dating House Speaker Martin Romualdez dahil sa ₱436 bilyong congressional budget insertions sa 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ayaw nilang magbigay ng espekulasyon tungkol sa posibleng pribadong pag-uusap ng pangulo at ni Romualdez.

Sa halip, binigyang-diin ni Castro na nag-veto ang pangulo ng ₱194 bilyong halaga ng mga probisyon sa 2025 budget matapos matuklasan ang malaking pagbabago sa orihinal na panukala ng Ehekutibo.

Ilang proyekto rin ang inilagay sa conditional implementation kaya hindi basta mailalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo hangga’t hindi nasusuri ang mga ito.

Facebook Comments