Nagpaliwanag kahapon ang Cotabato Light and Power Company sa mga consumer nito hinggil sa delayed na pamamahagi ng mga billing hanggang sa wala talagang naihahatid na billing sa mga bahay dahilan upang idulog nila sa DXMY ang reklamo. Ayon kay Arlene Hepiga ang Corporate Communication Officer ng Colight, nagshotdown umano ang kanilang System sa unang dalawang linggo ng taong kasalukuyan kayat nabalam ang pamamahagi ng mga biling dahil nagging mano-mano ang kanilang operasyon…Anya pa bumalik din naman noon January 16 ang kanilang System subalit may ilang lugar parin ang hindi naipamahagi ang mga billing.. Batay sa mga reklamo ng consumer na ipinarating sa DXMY ay ang ilang buwan na daw silang walang natatanggap na billing at nangangamba sila nab aka lumubo ang bayarin at maputulan.Ang iba naman ay diretso na nagbayad sa Colight subalit silay naiinis dahil tinatatakan ang kanilang resibo na No Billing Presented, gayong walang bill na nadeliver.
Colight nagpaliwanag sa delay na delivery ng mga billing
Facebook Comments