COMELEC, ipauubaya na sa ibang entity ang pagsasagawa ng debate sa mga kakandidato sa 2025 midterm elections

Hindi pipilitin ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga magiging kandidato na makibahagi sa mga isasagawang debate.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, ipauubaya nila sa anumang entity ang pagsasagawa ng debate kung saan hindi nila pakikialaman kung anong magiging laman nito.

Sinabi pa ni Garcia, maging ang mga itatanong sa mga debate ay hindi na pakikialaman ng COMELEC.


Paliwanag ng poll chief, wala naman batas para obligahin ang mga kandidato na sumabak sa mga debate.

Hinihimok naman ng COMELEC ang mga kakandidato na kung kakayanin ay makibahagi sa mga isasagawang debate.

Ito ay upang malaman ng publiko partikular ang mga botante kung anong mga balak, plano at plataporma ng mga kandidato sakaling manalo sa halalan.

Facebook Comments