Tuesday, May 19, 2026

DOE, nagbabala sa liquid fuel retail outlets na hindi tatalima sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa liquid fuel retail outlets na hindi tatalima sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga kwalipikadong tsuper.

Ayon sa DOE, maaaring masuspinde o makansela ang Certificate of Compliance ng fuel stations na hindi magbibigay ng subsidy sa mga tsuper.

Inatasan din ang mga kumpanya ng langis na maglagay ng signages at Fuel Subsidy Program (FSP) lanes para sa mga tsuper.

Sa ilalim ng programa, ang ang beneficiaries ay maaaring makakuha ng P1,500 per vehicle kada linggo na fuel subsidy sa loob ng tatlong buwan.

As of 18 May 2026, 938 fuel stations na ang nagbibigay ng subsidiya sa public utility jeepney at UV Express drivers.

Facebook Comments