Tuesday, May 26, 2026

Comelec, tiniyak na tuloy na tuloy na ang BARMM Parliamentary Elections at BSKE

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy na tuloy na at wala nang makapipigil pa sa Halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa September 14 at Barangay and SK Elections (BSKE) sa November 2.

Kahapon, pinangunahan ng COMELEC ang kauna-unahang command conference na ginanap sa Kampo Krame para sa paghahanda sa kauna-unahan ding parliamentary elections sa BARMM at ang BSKE.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, handang-handa nang isagawa ng ahensiya ang nasabing mga elections.

Kasama sa pinag-usapan sa nasabing conference ang preparasyon sa seguridad na inilatag ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, nasa ₱3 bilyon ang inilaang pondo ng COMELEC para sa BARMM elections at ito ay dinagdagan pa ng ₱500 milyong mula sa Bangsamoro Parliament na may layon na maayos ang posibleng mga gagastusin sa nasabing eleksyon.

Kaugnay nito, inanunsyo din ni Garcia na makakatanggap ng ₱3,000 honararia ang mga guro at iba pang mga mag-a-assist sa nasabing eleksyon.

Facebook Comments